-- Advertisements --

Hayagang nagdeklara ng kaniyang suporta si dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo kay Majority Leader Martin Romuladez na maging Speaker ng 19th Congress.

Sa isang statement, sinabi ni Arroyo ang chair emeritus ng Lakas-CMD, na nakatrabaho niya si Romualdez sa ilang dekada sa pagsisilbi sa mamamayang Pilipino mula aniya noong 2010 kung saan nagkasama ang dalawa sa serbisyo bilang fellow members ng House of Representatoves.

Aniya sa kaniyang muling pagbabalik sa kamara sa Hunyo 30, hinihimok ng dating pangulo ang mga kasapi ng Lakas-CMD na suportahan si Romuladez.

Samantala, inendorso din ng National Unity Party si romuladez para maging House Speaker sa papasok na asministrasyon.

Si Romuladez ay ang presidnte ng Lakas-CMD at pinsan ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr.