Naglabas ng subpoena ang House Committee on Justice laban kay Ramil Lagunoy Madriaga, ang umano’y “bagman” ni Vice President Sara Duterte, kaugnay ng imbestigasyon sa paggamit ng confidential funds.
Inatasan si Madriaga, na kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, na dumalo sa pagdinig ng impeachment proceedings sa Abril 14, 2026, alas-10 ng umaga sa House of Representatives sa Quezon City.
Pinapagdala rin siya ng mga orihinal na dokumento, kabilang ang isang affidavit na may petsang Nobyembre 29, 2025, at iba pang ebidensya na may kinalaman sa umano’y paghawak at pamamahagi ng confidential funds mula sa Office of the Vice President at Department of Education.
Ayon sa Komite, mahalaga ang kanyang testimonya at mga dokumento sa pagtukoy kung may sapat na basehan ang mga reklamong impeachment laban kay Duterte.










