Naging emosyonal si Senadora Pia Cayetano matapos ang naging pahayag ni Senadora Risa Hontiveros na “parang walang nangyari” kaugnay ng insidente ng putukan sa Senado noong nakaraang linggo.
Ayon kay Cayetano, labis na nakasakit sa kanila ang naturang pahayag dahil para sa mga naroroon sa Senado, napakaraming nangyari at ramdam nila ang matinding takot.
“Para sa amin na andito, napakaraming nangyari. Takot na takot po ako… Para sabihin niyo na walang nangyari, nakapasakit para sa aming lahat na nandito,” anang senadora.
Ang insidente ng putukan ay naganap noong Mayo 13 hanggang 14, 2026, sa loob ng compound ng Senado.
Ayon sa mga ulat, nagkaroon ng kaguluhan matapos magpaputok ng baril ang Senate sergeant-at-arms na si retired MGen. Mao Aplasca, na kalaunan ay sinuspinde ng Ombudsman.
Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng pangamba sa mga senador at empleyado, at nagbunsod ng mga tanong hinggil sa seguridad sa loob ng institusyon.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ng mayorya kung ano ang tunay na nangyari sa naturang insidente, habang ang minorya ay nakatakdang magsagawa ng caucus upang talakayin ang kanilang posisyon.
May mga alegasyon din na ilang ilang ang nakatanggap ng text message bago ang putukan, dahilan upang makalabas sila ng compound bago pa umigting ang tensyon.















