-- Advertisements --

Nagpasya ang grand jury sa Manhattan na sampahan ng kasong kriminal si dating US President Donald Trump.

Ang nasabing pagpapasya ay isang taon matapos ang pag-iimbestiga na may kaugnayan sa pagbabayad ito ng $130,000 na hush money para pagtakpan ang ugnayan niya sa adult actress na si Stormy Daniels sa kasagsagan ng kampanya noong 2016 presidential elections.

Ito ang unang pagkakaton na sa kasaysayan ng America na mahaharap sa kasong kriminal ang pangulo ng US.

Dahil dito ay dinoble ng mga kapulisang seguridad kung saan inaasahan ang pagkakaroon ng kilos protesta sa mga supporters ng dating pangulo.