-- Advertisements --
Nakauwi na sa kanilang bahay si dating pangulo at dating Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada matapos na ma-ospital dahil sa COVID-19.
Sa Facebook post ng anak nitong si dating Senator Jinggoy Estrada, ipinakita ang dating pangulo na binati ng kaniyang kaanak matapos na makauwi.
Kasama rin nito ang larawan habang hinahalikan ang kamay ng maybahay nito na si dating Senator Loi Estrada.
Magugunitang nagpositibo sa COVID-19 ang dating pangulo noong Marso 29 at dinala ito sa Intensive Care Unit (ICU) dahil sa panghihina hanggang sa tuluyan ng gumaling.