Time
TIME Magazine

Isinama ng TIME Magazine si dating Pangulong Corazon Aquino bilang isa “100 women who define the last century.”

Habang kasama naman ng dating pangulo si Rappler CEO Maria Ressa sa women’s month edition ng Time magazine ngayong March 2020.

Una nang kinilala na Time Woman of the Year noong 1986 ang dating pangulo ng bansa matapos ang tagumpay ng people power revolution na nagpatalsik noon kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Habang taong 2018 nang kinilala si Ressa bilang isa sa “Person of the Year” kasama noon ang dating Washington Post journalist na pinatay na si Jamal Kashoggi, Reuters reporters Wa Lone at Kyaw Soe Ho.