-- Advertisements --

Ibinahagi ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang bahagi ng kanyang buhay mula sa kanyan pagkabata hanggang siya ay naging presidente ng bansa sa kanyang memoir na may titulong “Deus Ex Machina” na kanyang inilunsad noong Pebrero 2, 2022.

Ang virtual launch ng kanyang libro ay tila naging reunion din ng kanyang mga Cabinet members, mga kaibigay at kaalyado, kabilang na sina dating Vice President Noli de Castro, dating Spokesperson Ignacio Bunye at dating Executive Secretary Eduardo Ermita.

Sinabi ni Arroyo sa kanyang opening statement na ang terminong “Deus Ex Machina” o “Divine Providence” ay nakatulong sa kanyang karera, lalo na noong siya ay naging pangulo na ng bansa.

Ayon kay Arroyo, ang kanyng kapatid na si Boboy ang nagrekomnda na ito ang ipanaglan sa kanyang memoir.

Nahahati ang libro sa pitong bahagi: una ay ang tungkol sa kanyang pagkakapanganak hanggang sa kanyang pagkaka-asawa; panahon nang siya ay naging maybahay na hanggang sa nangyari ang EDSA One; ang unang siyam na taon niya sa serbisyo publiko; kampanya sa pagkapangulo; kanyang presidency at post-presidency.

Nabanggit din ng dating pangulo sa kanyang memoir ang kanyang papel sa pagsasabatas sa mga reporma sa buwis na kinailanagn ng bansa noong mga panahon na iyon para makabangon ang bansa sa pagkakalugmok ng ekonomiya, partikular na noong 2005 nang maisabatas ang e-VAT.