-- Advertisements --

Hindi dadalo si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa balak na pag-convene ng mga dating lider ng ating bansa para talakayin ang isyu sa West Philippine Sea.

Sa isang mensahe, sinabi ng kampo ng dating presidente na walang natanggap na pormal na imbitasyon, kahit electronic mail si Aquino mula sa Malacañang.

Magugunitang una nang inanunsyo ng Palasyo na binabalak ng Pangulong Rodrigo Duterte na pulungin sina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Aquino para pag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea.

Isa naman sa option ay ang pagpupulong na lang ng National Security Council (NSC) na pinangungunahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.