Reading Time: 1 minute

Nakatakdang pamunuan ni Brittni De La Mora, dating porn star, ang XXXchurch matapos ang halos isang dekada nitong pagtatrabaho sa porn industry.

Ang XXXchurch ay isang ministry na tumutulong sa mga tao na malagpasan ang kanilang addiction sa pornograpiya at upang mahanap ang kani-kanilang “sense of worth”.

Kasalukuyang buntis si De La Mora sa kanilang panganay na anak ng kaniyang asawa na si Richard.

“My husband and I will be the new faces of XXXchurch.com,” saad ni De La Mora sa website. “We are humbled and honored that God has called us to this ministry.”

Inilunsad ni Craig Gross ang ChristianCannabis.com upang simulan ang mas malawak na dialogue tungkol sa relihiyosong paniniwala mula sa sarili nitong karanasan.

17 taon na nitong pinamumunuan ang naturang online parachurch group.

“I have seen this ministry grow beyond my wildest dreams. From our very first outreach in 2002 at the largest porn show in the nation to the millions of people struggling with addiction that have found a safe place of hope, healing, and recovery here,” wika ni Gross.