Arestado ang isang dating police officer nang salakayin ng French officials ang kanyang bahay sa Strasbourg.

Ito’y matapos mahulihan ang 55-anyos na dating pulis, ng mga malalaswang video tapes ng mga kabataan na hindi bababa sa edad na 15.

Ayon kay Francois Perrain, prosecutor ng Eastern City of Nancy, matagal na nilang minamanmanan ang nasabing lalaki matapos silang makakuha ng impormasyon sa isinagawang raid sa Pilipinas.

Umamin naman ang suspek sa iligal na gawaing ito at sinabing nagbabayad umano siya ng $15-60 para sa naturang videos ng mga menor de edad.