Patay sa pananambang ang dating pulis sa Mariveles, Bataan kung saan damay din ang anak nito.

Nakilala ang mga nasawi na si dating P/Supt. Napoleon Cauyan Sr., 58, at ang anak na si Christopher Cauyan, 21.

Batay sa report ng Bataan Police Provincial Office, mag-alas-3:00 kahapon nang bigla na lang barilin ang mag-ama sa harapan ng Mariveles Cockpit Arena sa Brgy. Balon Anito sa Mariveles, Bataan.

Narekober sa crime scene ang mga personal na gamit ni Cauyan kasama na ang isang kalibre .45, isang magazine at isang Mitusbishi Montero.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pananambang.

Napag-alaman na una nang nakaligtas sa ambush si Cauyan noong March 2010 sa Quezon City.