-- Advertisements --

Buhos ngayon ang pakikiramay sa pagkamatay ng long time sports leader at dating presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Celso “Cito” Dayrit.

Ngayong araw lamang nang kumpirmahin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpanaw ni Dayrit na dinapuan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang sports leader na nagkorron ng multiple positions sa ilang local at international sports organizations ay namatay sa edad na 69-anyos.

Si Dayrit ay nagsilbing PSC commissioner noong 1993 at nahalal itong POC president noong 1994 at hinawakan ang posisyon sa loob ng 10 taon.

Kilala si Dayrit sa pagiging aktibo sa fencing, na naging presidente pa ng Fencing Confederation of Asia at nagsilbi sa Executive Committee of the International Fencing Federation at siya ay honorary member dito.

Taong 2006, natanggap nito ang Olympic Merit Award.