Uupo na bilang bagong director ng Police Regional Office-7 si B/Gen. Valeriano De Leon ang kasalukuyang hepe ng Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosive Office.

Mismong si De Leon ang nagkumpirma na mayroon ng order para siya ay mag-assume bilang regional police director ng pulisya sa Central Visayas bukas, October 17.

Si De Leon ang pumalit sa pwesto ni B/Gen. Debold Sinas na itinalagang bagong regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Si De Leon ay miyembro ng Philippine Military Academy class of 1989 habang si Sinas ay miyembro ng PMA Class of 1987.

Sa ngayon, hindi pa batid kung sino ang papalit sa ibabakanteng pwesto ni De Leon bilang hepe ng Firearms and Explosive Office (FEO).

Pansamantala munang magiging acting FEO chief ang deputy commander ni De Leon.

Pangungunahan ni PNP officer-in-charge Lt Gen. Archie Gamboa ang turn-over ceremony bukas sa PRO-7 na nakabase sa Cebu City.