Pormal ng nanumpa bilang bagong g Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) chief si dating PNP Chief, retired Gen. Benjamin Acorda Jr.
Si Acorda, miyembro ng PMA Class of 1991, ay naging ika-29 na hepe ng PNP mula Abril 2023 hanggang Abril 2024.
Nagsilbi rin siya bilang Director for Intelligence ng PNP at Regional Director ng Police Regional Office X.
Bilang isa sa mga nagtatag ng PNP Anti-Cybercrime Group, humawak siya ng ilang matataas na posisyon sa kapulisan, kabilang ang Deputy Regional Director ng NCRPO at Director ng Integrity Monitoring and Enforcement Group.
Papalitan ni Acorda si Gilbert Cruz na nanungkulan simula Enero 2023. Ang PAOCC ay may mandato na imbestigahan at usigin ang mga sindikatong kriminal at tiwaling opisyal.