Arestado ang isang high value target sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Dusit, Thani Resort, Mabini, Davao de Oro.

Kinilala ang suspek na si Edward Bullecer alyas Bongbong, 43 anyos, residente ng Baliguian, Zamboanga del Norte at myembro ng notorious na Sahibad drug group na nag-ooperate sa nasabing lugar.

Base sa inisyal na report ng Police Regional Office 9, napag-alaman na ang nahuling suspek ay dating Philippine Airforce Lieutenant na nakatalaga bilang Squadron Commander ng Phillipine Air Force na nakabase sa Col Jesus Villamor Air Base, Pasay City.

Naaresto si Bullecer sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng Art II ng Republic Act 9165.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Baliguian MPS ang nasabing suspek.

-- Advertisement --