-- Advertisements --
Ikinatuwa ng maraming fans ni dating One-Direction member Zayn Malik dahil sa ginawa nitong bagong kanta kasama ang sikat na Pakistani band na Aur.
Ang remake kasi ng sikat na kanta ng bandang Aur na ” Tu Hai Kahan ” ay kasama nila ang dating One Director singer na nagsalita pa ng Urdu.
Ang orihinal na bersyon ng kanta ay mayroong mahigit 95 milyon na views habang ang remake ay mabilis na nakagawa ng 3 milyon views.
Nagpasalamat naman si Malik matapos na siya ay tawagan ng banda para gawin ang nasabing kanta.
Dahil dito ay hinikayat ng kaniyang fans na gumawa ng mga kanta na may lengguwaheng Urdu.