-- Advertisements --
Nahaharap sa patong-patong na kaso ang dating NBA star na si Rajon Rondo.
Ayon sa Indiana State Police na unang pinahinto nila ang sasakyan ng 37-anyos na si Rondo dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Jackson, County.
Nakaamoy ang mga kapulisan ng marijuana sa itim na 2022 Tesla ng dating NBA star kaya nagsagawa sila ng paghahanap.
Sa kanilang paghaloghug sa sasakyan ay nakakita sila ng isang baril , drug paraphernalia at pinaghihinalaang marijuana.
Dinala ito sa Jackson County Jail at matapos ang ilang oras ay nakapagpiyansa naman ito.
Itinakda sa Pebrero 27 ang unang pagdinig sa kaso nito sa Jackson County Superior Court.