-- Advertisements --
Jeremy Lin
Jeremy Lin/ IG post

Magbibigay ng hanggang $1-million si dating NBA guard Jeremy Lin para sa coronavirus relief effort.

Sinabi ng unang Asian-American player na ang $500,000 ay kaniyang donasyon habang tatapatan niya ang lahat ng donasyon ng hanggang $500,000.

Dagdag pa ng 31-anyos na manlalaro na kayang malampasan ng mundo ang krisis na dulot ng coronavirus.

Huling naglaro ito sa Toronto Raptors noong makuha nila ang kampeonato at ngayon ay naglalaro na sa Beijing Ducks sa Chinese Basketball Association.