-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang dating Municipal Councilor sa pamamaril dakong alas 6:05 nitong gabi ng Miyerkules sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Kagui Said Karim, 64 anyos, may asawa at dating Municipal Councilor ng Talitay Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Donald Madamba na nakaupo lamang ang biktima sa harap ng kanyang restaurant sa Barangay Upper Capiton Datu Odin Sinsuat Maguindanao ng itoy biglang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang salarin na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng national highway.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan kaya agad binawian ng buhay.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad sa motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.