Pumanaw na ang si dating Miss America Leanza Cornett sa edad 49.

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya, naapektuhan ang kaniyang utak matapos na mahulog sa kaniyang bahay noong Oktubre 12.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Miss America Organization sa pagpanaw ni Cornett na kinoranahan noong 1993.

Bago naging Miss America ay naging Miss Florida 1992 ang tubong Jacksonville beauty queen.

Naging host ito ng ilang TV show sa US gaya ng “Entertainment Tonight” noong 1994 at kabilang rin sa Christian music group na Area Code.

Bilang Miss America ay isinusulong nito ang AIDS awareness na kadalasang nagsusuot ito ng pulang AIDS ribbon para ipakita ang ipinaglalaban nito.