-- Advertisements --
Pumanaw na ang tinaguriang oldest surviving winner ng Miss America na si Jo-Carroll Dennison sa edad 97.
Ayon sa kaanak nito na dahil sa katandaan na ay isa sa dahilan ng pagpanaw nito.
Noong World War 2 ay hawak ni Dennison ang korona.
Isinilang noong 1923 sa Florence, Arizona at unang lumahok sa Miss Tyler pageant sa Texas.
Bago naging Miss America noong 1942 sa edad 18 ay nagwagi ito bilang Miss East Texas at Miss Texas.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Miss America organization matapos na mabalitaan ang pagpanaw ni Dennison.