-- Advertisements --

Pinabulaanan ng mga dating sundalo ang paratang na sinuhulan sila ni dating Congressman Mike Defensor para tumestigo sa imbestigasyon ng maanomaliyang flood control projects.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcomittee ngayong Huwebes, iginiit ni Johnny Buduan, isa sa 18 ex-marines na humarap bilang resource person, na hindi sila tumanggap ng pera mula kay dating Cong. Defensor nang tanungin ni Senador Rodante Marcoleta kung nakatanggap ang mga ito ng “pabuya” na tig-P5 million para magbigay ng kani-kanilang salaysay sa nagpapatuloy na pagsisiyasat sa flood control scandal.

Hinamon din ni Buduan ang nagparatang sa kanila na humarap sa pagdinig ng subcommittee para patunayan ang akusasyon laban sa kanila.

Inihayag din nito na maganda na sana ang kanilang buhay kung nakatanggap sila ng ganon kalaking halaga ng pera.

Ipinagtanggol din ni Atty. Levito Baligod ang mga dating sundalo mula sa alegasyong nakatanggap sila ng suhol.