-- Advertisements --
Nag-alok si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson ng P100,000 na pabuya sa traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na humuli sa kaniyang convoy dahil sa paggamit ng EDSA Busway.
Sinabi nito na humihingi siy ang paumanhin sa MMDA sa nangyari nitong araw ng Lunes.
Pinapahanap na niya umano kay MMDA Chairman Romando Artes ang mga traffic enforcers para ibigay ang pabuya para lalong ma-enganyo silang manghuhuli.
Inamin nito na nagkamaliang kaniyang convoy sa pagdaan sa bus lane sa kahabaan ng EDSA-Cubao.
Natikitan ang dalawang drivers ng convoy nito dahil sa bus lane violations at pinagmulta ng P5,000.










