-- Advertisements --

Nangunguna ngayon na posibleng maging sunod na Prime Minister ng United Kingdom si dating Finance Minister Rishi Sunak na papalit sa shortest-serving leader sa kasaysayan ng Britaniya na si Lizz Truss.

Posibleng maideklara din bilang bagong Conservative Party leader ng mas maaga.

Subalit hindi pa rin nagpapatinag si House of commons leader na si Penny Mordaunt at patuloy na tatangkaing makuha ang suporta ng 100 Members of Parliament (MPs) bago ang deadline mamayang 2pm o 9pm oras sa Pilipinas.

Sa ngayon, mayroong mas mababa sa 30 supporters si Mordaunt na nauna ng nagkumpirma ng kanilang susuportahang kandidato.

Hinimok naman ng dalawang dating cabinet ministers ang Tory Members of Parliament sa nalalabing mga minuto bago ang deadline na suportahan si Rishi Sunak na ihalal bilang bagong lider ng Conservative party.

Si Former Home Secretary Priti Patel na supporter ni dating PM Boris Johnson ang pinakabagong nag-endorso kay Sunak bilang Conservative party leader kasama sina cabinet ministers James Cleverly at Nadhim Zahawi.

Samantala, una ng umatras ng kandidatura si Johnson kung saan sinabi nito na nakalikom ito ng kinakilangang suporta para tumakbo bilang PM subalit hindi pa aniya ito ang panahon para siya ay bumalik.