-- Advertisements --

Tinawag na isang malaking pagkakamali ni dating FIFA president Sepp Blatter ang pag-award ng 2022 World Cup sa Qatar.

Kasunod ito sa batikos na kinakaharap ng Qatar dahil sa talamak na pang-aabuso sa karapatang pantao at ang hindi pagkontra sa same-sex relationship ganun din ang hindi magandang trato sa mga migrant workers.

Napakaliit aniya ng bansa para doon gawin ang Football lalo na ang World Cup.

Ang 86-anyos na si Blatter kasi ang siyang nakaupo noon sa FIFA ng i-award sa Qatar ang hosting ng World Cup noong 2010.

Dagdag pa nito Blatter na ibinoto niya ang US noon para maging host at sinisi niya ang dating UEFA president na si Michel Platini dahil sa paglipat nito ng boto sa Qatar.

Sa ginawa noon ng executive committee ng FIFA ay nakakuha ang Qatar ng boto na 14-8 para pumabor sa hosting laban sa US habang ang Russia ay iginawad ang hosting noong 2018.

Nanungkulan si Blatter sa puwesto ng 17 taon at napilitan lamang ito ng bumaba sa puwesto noong 2015 dahil sa alegasyon na paglipat nito ng halagang $2.19 milyon kay Platini.

Magsisimula sa Nobyembre 20 hanggang Disyembre 18 ang torneo kung saan magkakampeon ay makakatanggap ng $42 milyon na premyo, mayroong $40-M ang runner-up, $27-M naman third placer, $25-M sa fourth placer.

Ang makaabot ng Quarterfinals ay mayroong $17-M na premyo, $13-M naman sa Round of 16 at $9-M naman sa Group stage winners.