CEBU CITY – Bumuhos ngayon ang pakikiramay ng mga Cebuano sa dating alkalde ng Dumanjug, Cebu na si Nelson Garcia.
Unang kinumpirma ng kapatid nitong si Atty. Winston Garcia na pumanaw ang nasabing lider kahapon sa isang pagamutan sa Cebu City.
Hindi rin umano nagbigay ng dagdag pang mga detalye ang mga kamag-anak nito kung ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Pinagsilbihan naman ni Mayor Nelson ang nasabing lungsod sa loob ng dalawang termino at naging presidente ito ng League of Municipalities of the Philippines – Cebu Chapter.
Inilarawan naman ni Gov. Gwendolyn Garcia, sa kanyang statement, na isang mahusay at mapagmahal na lider ang kapatid nitong si Nelson.
Nagpapasalamat naman ang pamilyang Garcia sa mga nagbigay ng taos-pusong pakikiramay sa social media.