-- Advertisements --

Bigo ang Senate committee on women, children, family relations, and gender equality na matapos ngayong araw ang hearing ukol sa “pastillas scheme.”

Ayon kay committee chairperson Sen. Risa Hontiveros, isasara na sana nila ang pagdinig para makapaglabas ng report, ngunit may mga lumutang na rebelasyon at nakaladkad na ang iba pang personalidad.

Kabilang sa idinawit ni special envoy for public diplomacy to China Ramon Tulfo, si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Ayon kay Tulfo, si Aguirre ang protektor ng mga opisyal na sangkot sa pagpapalusot sa mga Chinese bilang POGO operators.

Dahil dito, inaasahang magigisa sa susunod na Senate inquiry ang dating kalihim.

Sa panig naman ni Aguirre, nakahanda raw siyang humarap sa pagdinig para linisin ang kaniyang panagalan.