KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pagpatay sa dating konsehal sa Maguindanao.

Kinilala ang biktima na Kagui Said Karim, 64-anyos, may asawa, at kasalukuyang nagnenegosyo na residente ng Talitay, Maguindanao.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagtitimpla lamang ng kanyang kape ang biktima habang nakaupo sa harap ng kanilang restaurant nang lapitan ng dalawang armadong kalalakihan na sakay ng motorsiklo at walang alinlangan na pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng caliber 45.

-- Advertisement --

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang.