KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang ex-convict matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Purok Magsaysay, Brgy. Rotonda, Koronadal City.

Kinilala ang nasawi na si Renato Lavapiez, 35-anyos, single at residente ng Purok Pantalan, Bo. 5, Koronadal City.

-- Advertisement --

Ayon sa ilang residente sa lugar, bumisita lamang sa kanyang mga kamag-anak ang biktima.

Sakay ng hindi pa na-identify na motorsiklo ang mga suspek na nakasuot ng bonet.

Napag-alaman na nakulong na noong taong 2002 hanggang 2007 ang biktima sa kasong murder.

Ayon sa kapatid ng biktma na si Rodney Lavapiez, nawawala umano ang bag at jacket ng suspek.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa panibagong insidente ng pamamaril sa lungsod ng Koronadal.