DRUG SUSPEK SA DAYAO 3

ROXAS CITY – Arestado ang dalawang drug suspect sa isinawagng drug buybust operation ng station drug enforcement team ng Roxas City Police Station at Philippine Drug Enforcement Ageny (PDEA) sa Barangay Dayao, Roxas City.

Kinilala ang mga arestado na sina Levy Yandoc 28 at Nelvin Obafial 30 isang barangay tanod at residente ng Barangay Cagay Roxas City.

Narekober sa mga drug suspek ang dalawang sachet ng shabu na may street value na P140,000, P1,000 na buybust money, cellphone at motorsiklo.

DRUG SUSPEK SA DAYAO 2

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Master Sgt. Ramil Arcangeles na nahuli at nabilanggo na si Yandoc noong 2016 matapos nakunan ito ng shabu, ngunit nakalaya noong 2019 sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.

Ngunit sa monitoring ng mga pulis lumalabas na patuloy itong nagbebenta ng pinagbabawal na gamot.

Natakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.