-- Advertisements --
Balik sa Commission on Eections (Comelec) si dating Commissioner George Erwin Garcia.
Pero sa pagkakataong ito ay bilang pinuno na ng poll body.
Batay sa isang pahina ng appointment letter na inilabas ng Malacanang na may petsang Hulyo 22, 2022, ngunit ngayon lamang naisapubliko, magsisilbing chairperson ng Comelec si Garcia hanggang Pebrero 2, 2029.
Una rito, na-by-pass ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang pagkakatalaga sana sa opisyal bilang commissioner.
Maliban sa kaniya, hindi rin naaprubahan ang appointment nina Chairman Saidamen Pangarungan at Comm. Aimee Neri.
Si Garcia ay nagsilbing abogado ni President Bongbong Marcos para sa election protest sa vice presidential race laban kay dating VP Leni Robredo.