Reading Time: 1 minute

Inamin ng dating child star na si Isabelle de Leon na nahirapan siya sa unang araw ng kanyang training para sa 2019 Miss World-Philippines.

Mismong si Isabelle ang nag-post ng behind-the-scenes footage ng training kung saan may pagkakataong natatapilok ito sa suot na stilettos o manipis na high heels.

“Pag nag-step out ka from your comfort zone, there will come a time na magiging comfort zone mo ulit siya. Kung meron kang goals, ‘wag mo lilimitahan sarili mo dahil hindi mo alam kung ano ang lakas na meron ka, not unless ilagay mo sa isang situation kung saan mate-test yung strength at kakayahan mo,” saad ni de Leon.

“Always take heart and be courages enough to dare and take that risk,” dagdag nito.

Ang 24-year-old TV host/actress/singer ay nakilala sa kanyang pagganap bilang best friend ng noo’y child star din na si Jiro Manio sa pelikulang “Magnifico” noong 2013.

Nagkaroon din siya ng papel sa sitcom na Daddy Di Do Du kung saan anak siya ni Vic Sotto.

Gaganapin ang 9th edition of Miss World Philippines sa darating na September 15 sa Quezon City.

Noong nakaraang taon, bigo ang pambato ng Pilipinas sa Miss World na si Katarina Rodriguez matapos itong hindi na makausad pa sa Top 30.

Sa ngayon ay mayroon pa lamang isang Miss World crown ang Pilipinas sa pamamagitan ni Megan Young.