CAGAYAN DE ORO CITY – Nagka-initan ang panig ng mayoriya at minoraya ng city council kaugnay sa findings na inilabas ng adhoc committee patungkol sa umano’y ma-anomaliya na cash distribution ng city government para sa mga pamilya na labis na apektado noong kasagsagan ng pandemya na dala ng COVID-19 sa Cagayan de Oro City.
Matapos inihayag ni adhoc committee chairman at minority leader City Councilor James Judith na nasa 50 milyong piso mula sa 767.8 million na national funds ang nawala dahil sa umano’y double-triple entries ng mga benepesaryo na nabigyan ng ayudang pinansyal sa panunungkulan noon ni dating City Mayor Oscar Moreno.
Una kasing isinulat sa findings ng ginawa na re-investigation ng usaping ayuda ni Judith na mananagot sa nabanggit na kapabayaan si dating city administrator at acting CSWD head Teodoro Sabuga-a Jr at ang kanyang overseer na si Michael Christopher Fabello.
Sinabi ni Judith na tatamaan umano si Moreno sa prinsipyo ng ‘command responsibility’ dahil sa nangyaring financial lapses ng kanyang mga tauhan.
Subalit,depensa naman ng kaalyado ni Moreno na si social services committee chairman at majorityh member Konsehala Girlie Balaba na hindi isang ‘prosecutarial body’ ang isang konseho upang idiin ang sinumang personalidad na iniimbestigahan.
Iginiit ni Balaba na paggawa ng mga panukalang batas ang tina-trabaho ng legislative department at hindi ang mang-akusa sa mga personalidad.
Una rin nito,tinawag ni Moreno na nakapa-iresponsable,pabaya at umano’y istupido ni Judith upang siya ay pagbintangagan na walang kahawak-hawak na mga basehan patungkol sa isyu.