Inamin ni Department of Justice Assistant Secretary at Spokesperson Atty. Mico Clavano na malawak pa rin ang impluwensya ni dating Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Clavano, sinabi nito na itinuturing si Bantag bilang bayani sa kanilang lugar.
Si Bantag rin aniya ay malawak pa rin ang mga resources sa kabila ng pagiging pugante nito.
Sa kabila nito ay tiniyak ni Clavano na patuloy ang ginagawang hakbang ng DOJ para mahuli si Bantag.
Nakasisiguro rin ang ahensya na nasa loob lamang ng bansa ang dating opisyal ng BuCor.
Kung maaalala, sinalakay ng mga tauhan ng NBI ang dalawang bahay ni Bantag mula sa Caloocan City at Sta. Rosa Laguna.
Si Bantag ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagiging utak umano nito sa pagkamatay ng broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala sa tawag na Percy Lapid at sa nagsilbi umanong middleman na si Jun Villamor.
Nag-alok na rin ang DOJ ng P2-milyong pabuya para sa impormasyon na hahantong sa pagkakaaresto ng dating BuCor chief