-- Advertisements --
Nanawagan si dating British Prime Minister Liz Truss na imbestigahan ang pag-hack sa kaniyang telepono.
Naganap umano ang insidente noong siya ay foreign secretary.
Nadiskubre lamang ang nasabing pag-hack noong summer sa panahon ng pangangampanya ni Truss sa posisyon.
Tiniyak naman ng British government na mayroon na silang ipinatupad na mas matinding cyber-threat protection.
Inakusahan pa si dating British Prime Minister Boris Johnson at Cabinet Secretary Simon Case na pagtatago ng impormasyon sa media.
Ilan sa mga ibinunyag sa hacking ay ang pag-uusap nina Truss at malapit na kaibigan nitong si Kwasi Kwarteng na ginawa niyang chancellor noong nagwagi ito sa pagka Prime Minister.