CEBU CITY – Kinasuhan ng rape ang isang dating barangay konsehal sa Brgy. Marigondon, Lapu-Lapu City dahil sa diumanoy panghahalay sa isang person with disability (PWD) na anim na buwang buntis.

Una nang kinilala ang suspek na si Esmeraldo “Naning” Andales, 61, residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa hepe ng Marigondon Police Station na si C/Insp. Julian Capacio, sinabi nito na nagsumbong sa kanilang tanggapan ang biktima dahil sa pambabastos umano ng dating konsehal.

Base sa imbestigasyon, naabutan ni Andales na bumili ng pagkain ang si alyas Nene.

Dinala umano ng suspek sa kanyang bahay si “Nene” at doon na nangyari ang umano’y panghahalay.

Dagdag pa ni Capacio, tumayong witness ang isang menor de edad na syang nakakita sa naturang panghahalay.

Samantala, tahasang itinanggi ni Andales ang paratang laban sa kanya.