-- Advertisements --

Isinugod sa pagamutan si dating Brazilian President Jair Bolsonaro dahil sa pananakit sa kaniyang tiyan.

Ayon sa kaniyang asawa nito na dinala ang dating pangulo sa isang pagamutan sa Florida.

Dagdag pa nito na ang 67-anyos na si Bolsonario ay nasa Advent Health Celebration dahil sa labis na pananakit ng tiyan.

Nagtungo sa Florida ang dating pangulo dalawang araw bago matapos ang termino nito noong Disyembre 31.

Hindi na ito dumalo sa turn-over ng tumalo sa kaniya sa halalan na si veteran leftist Luiz Inacio Lula da Silva.