-- Advertisements --
Sinalubong ng mga supporters ni dating Brazilian President Jair Bolsonario ng ito ay bumalik sa kanilang bansa.
Ito ang unang pagpapakita ni Bolsonario sa kaniyang kababayan mula ng matalo siya sa halalan.
Nagtungo sa Florida ang far-right politician at doon nanirahan ng tatlong buwan.
Itinuturing nito na nagsagawa lamang siya ng self-imposed exile.
Dahil sa pagbabalik nito ay inilagay sa alerto ang mga sundalo at kapulisan para hindi na maulit ang naganap na malawakang kilos protesta.
Magugunitang tinalo siya ni Luiz Inacio “Lula” da Silva noong nakaraang taon.
Hindi pa nag-concede si Bolsonario dahil naniniwala itong siya ay dinaya.