-- Advertisements --

Patay ang dating boxing champion na si Besar Nimani matapos na ito ay barilin sa Germany.

Palabas na sa isang restaurant sa Bielefeld si Nimani ng ito ay barilin ng 10 beses.

Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan na hindi lamang isang suspek ang lumapit sa biktima bago siya pagbabarilin.

Dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan nito ay agad itong nasawi.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek habang inaalam nila ang motibo ng insidente.

Si Besar ay isang Albanian na isinilang sa Kosovo noong 1985 at lumipat sa Germany noong dekada 90 dahil sa naganap na giyera sa Kosovo.

Mayroong itong record na 26 panalo isang talo na mayroong 22 knockouts kung saan naging IBF European Super Welterweight title.

Taong 2019 ng magretiro matapos na magwagi sa huling laban sa pamamagitan ng technical knockout.