Miss Dee
Michelle Dee/ IG post

Lumipad patungong London si dating Miss International Melanie Marquez para suportahan ang anak nitong si Michelle Dee na sasabak sa Miss World pageant.

Ayon sa actress, na masaya kung maibigay sa anak ang korona at kung hindi man ay malamang hindi pa panahon ng kaniyang anak.

Kasama ni Melanie na nagtungo sa London ang asawa at bunsong anak nito.

Magugunitang kinoronahang Miss International 1979 si Melanie.

Umaasa si Michelle na maging pangalawang Filipina na manalo ng Miss World kasunod ni Megan Young na nanalo noong 2013.

Gaganapin ang pageant sa darating na December 14.