Pamela Anderson
Pamela Anderson/ IG post

Binisita ng actress na si Pamela Anderson si Julian Assange sa Belmarsh high-security prison.

Ito ang unang social visit na tinanggap ni Assange mula ng ikulong at tanggalin ang kaniyang asylum sa Ecuador.

Ayon sa dating Baywatch actress na hindi nararapat na ilagay sa super max prison ang 47-anyos na Wikileaks founder.

Kasama ni Anderson na bumisita si Wikileaks Editor-in-Chief Kristin Hrafnsson.

Mula kasi noong ito nasa Ecuadorian embassy si Assange sa loob ng pitong taon ay makailang beses na rin itong binista ni Anderson.

Magugunitang noong Abril 11 ay inaresto ng Londo police si Assange ng tanggalin ng Ecuador ang kaniyang asylum dahil sa masama nitong ugali.

Noong Mayo 1 ay pinatawan ito ng Australian court na makulong ng isang taon dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig ng kaso nito noong 2012.