Posibleng ma-disqualified sa kaniyang mayoralty bid si ex-Bamban Mayor Alice Guo, pwera na lamang kung makakakuha ito ng temporary restraining order (TRO).
Ito ang inihayag ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon sa Comelec tatanggapin pa rin nila ang certificate of candidacy ni dating Bamban Mayor Alice Guo.
Sinabi naman ni Comelec Chairman George Garcia mayruong mga grounds para sa disqualification.
Kabilang sa mga tinukoy na grounds for disqualification ay ang pagdeklara na nuisance candidate, petition seeking to cancel the COC dahil sa edad at citizenship, at ang Ombudman’s decision na nag-impose ng perpetual disqualification from holding public office.
Nauna nang sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na walang kapangyarihan ang poll body na awtomatikong kanselahin ang COC ni Guo dahil umaasa sila sa desisyon ng Ombudsman.
Noong Biyernes, sinabi ni Stephen David, ang legal na counsel ni Guo, na ang na-dismiss na alkalde ng Bamban ay maghahain ng kanyang COC sa Martes, ang huling araw ng paghahain para sa May 2025 midterm elections.
Si Guo ay nahaharap sa kasong graft, qualified human trafficking, money laundering, at tax evasion dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa Philippines Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang bayan.
Kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail si Guo.
Nasibak si Guo sa kaniyang pwesto bilang bamban mayor nuong buwan ng Agosto.
Kinansela naman ng Department of Foreign Affairs ang Philippine passport dahil ang kaniyang biometrics ay nag match sa Chinese passport holder na si Guo Hua Ping batay sa files ng National Bureau of Investigation (NBI).