Pappi Sarr
Pappi Sarr/ Adamson U image

Arestado ang dating Adamson University basketball center Papi Sarr dahil sa pagbabanta sa isang opisyal ng paaralan.

Ayon sa Manila Police District, pinagsisigawan ng dating Soaring Falcon center ang mga opisyal ng paaralan matapos na mabigyan ng dismissal letter.

Naganap ang insidente sa loob ng Saint Vincent Gym ng unibersidad.

Dagdag pa ng PNP, kasama ng 24-anyos na Cameroonian ang kapatid nitong si Abdul kung saan pinunit ang sulat at isinampal pa ito sa opisya dibdib ng opisyal.

Tinangka pa ni Abdul na suntukin ang school opisyal subalit ito ay pinigil ng mga tao.

Naaresto si Sarr habang nakatakas si Abdul.