Eva 2
Evacuation center

CENTRAL MINDANAO- Namigay ng tulong sa mga apektadong pamilya si Senador Bong Go na lumikas dulot nang malakas na lindol sa probinsya ng Cotabato.

Tinungo mismo ng Senador ang evacuation sites sa Brgy Ilomavis Kidapawan City sa paanan ng Mount Apo.

Umaabot sa mahigit 5,000 na mga bakwit mula sa pitong Sitio at Purok sa Barangay Ilomavis na lumikas dahil sa mga gumuhong lupa at nasira pa ang kanilang tahanan ng itoy yanigin ng lindol.

Kasama ni Go sa kanyang pagbisita sa Ilomavis ang mga sikat na aktor na sina Philip Salvador at Robin Padilla.

Kumanta sina Senador Go, Salvador at Padilla na ikinatuwa ng maraming residente.

Namigay ng cash at relief goods sa bawat pamilya si Senador Go.

Matatandaan na dalawang beses nang bumisita si Go sa Kidapawan City,una namigay ng tulong sa mga biktima ng sunog sa siyudad.

Nangako ang senador na pakikiusapan ang National Housing Authority (NHA) na mabilisin ang paghahatid ng tulong sa mga biktima ng lindol lalo na ang pabahay program ng gobyerno.

Kinomperma ng phivolcs na hindi na makakabalik sa mga landslide Prone Area sa Brgy Ilomavis Kidapawan City ang mga residente at kailangan na silang ilipat sa mga relocation site.