-- Advertisements --
Magtutungo sa Kyiv, Ukraine si European Commission President Ursula von der Leyen at ilang mga top diplomats.
Kasama nito sa biyahe sina Slovakian Prime Minister Eduard Heger at EU’s High Representative for Foreign Affairs and Security Policy Josep Borrell.
Makikipagpulong aniya ang mga ito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Ang nasabing pagbisita aniya ay isinagawa matapos na ipatupad ang panibagong sanctions laban sa Russia lalo na ang importation ban sa Russian coal.
Sinabi naman ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba na ang nasabing mga panibagong sanctions ay magbibigay ng matinding pressure sa Russia.