Sumama na rin ang European Union sa gagawin ng US na magtayo ng termporaryong daanan ng mga tulong sa Gaza.
Ayon sa EU Na plano nilang magbukas ng emergency maritime aid corridor sa mula Cyprus patungong Gaza.
Ang hakbang ay bilang tugon na rin sa kautusan na US President Joe Biden na magbukas ng temporaryong pantalan para makadaan ang mga barko na may dalang mga pagkain at ilang kakailanganin ng mga mamamayan ng Gaza.
Ikinakabahala kais ng mga humanitarian groups ang paglalala ng mga nagugutom sa lugar dahil sa ginagawang paghihigpit ng Israel sa mga Palestino na makalabas at makakuha ng mga pagkain.
Sa unang ginawang pag-airdrop ng US at Jordan ng mga tulong nilang pagkain sa Gaza ay may limang katao ang nasawi matapos madaganan ng mga inihulog na mga kahon na may lamang pagkain at ilang mga importanteng tulong.