-- Advertisements --
Inilabas na ng European Commission ang proposal ng pag-suspendi ng visa facilitation agreement sa pagitan ng European Union at Russia.
Dahil dito ay magiging magastos at mas mahirap sa mga Russians na makabiyahe sa mga European Union member states.
Sinabi ni European Home Affairs Commissioner Ylva Johansson na wala ng basehan para magkaroon ng previleged relationships sa pagitan ng Russia.
Ang hakang aniya ay dahil sa ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.
Paliwanag naman nito na bukas sila sa kategorya sa mga Russian visa applicants para sa essential purpose kabilang ang mga miyembro ng pamilya nila EU citizens, journalists, dissidente at civil society representatives.