-- Advertisements --

Nagkaisa ang lahat ng 27 member states ng European Union na buo pa rin ang suporta nila sa Ukraine.

Ito ang naging resulta ng pagpupulong nila matapos ang pangamba ng Ukraine na wala na itong makuhang suporta ng hindi aprubrahan ng US congress ang military aid sa kanila.

Sinabi ni foreign policy chief. Josep Borrell na kanilang tatalakayin ang mungkahi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na peace plan para tuluyang matapos na ang kaguluhan sa nasabing bansa.

Magugunitang mula ng sumiklab ang paglusob ng Russia sa Ukraine ay nanguna ang US sa nagbigay ng tulong militar sa Ukraine.