-- Advertisements --
Mamamahagi ang European Union ng mahigit na limang milyon na anti-radiation tablet sa Ukrainian na naninirahan malapit sa Zaporizhzhia nuclear plant.
Ang nasabing pinakamalaking nuclear power plant sa Europa ay nasa kontrol na ng Russia mula pa noong Marso.
Layon ng nasabing pamamahagi ng anti-radiaton tablet ay para hindi makapitan ang kanilang katawan ng radiation mula sa planta.
Sa kasalukuyan ay tanging mga tao na naninirahan ng hanggang 50 kilometer ng planta ang binigyan ng nasabing mga gamot.
Inakusahan ng Ukraine ang Russian na ginagamit nilang panangga ang nasabing planta para hindi sila makaganti sa tuwing maglulunsad ng mga rocket attack.










