-- Advertisements --
Hindi sang-ayon ang European Union sa pagsasailalim sa COVID-19 testing sa mga manggagaling sa China.
Ayon sa European Centre for Disease Prevention and Control na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa China ay walang magiging epekto sa EU.
Ilan sa mga dahilan dito ay ang mababang pagbabakuna ng China kaya tumaas ang kaso.
Naging mataas ang bilang ng mga nabakunahan na sa mga bansa European countries kaya wala itong dahilan.
Ang COVID-19 variants aniya na umiikot sa China ay parehas na ring nararanasan sa EU.
Magugunitang niluwagan na ng China ang kanilang travel restrictions kahit na tumataas ang kaso ng COVID-19 kaya nagpatupad ng paghihigpit na rin ang ibang bansa gaya ng US, Japan, India at Taiwan.